Wednesday, January 22, 2014

Pinagtagpo ng Tadhana

Nang itinakdang landas natin ay magtagpo
Walang malay akong napasok mo ang buhay ko
Dahilan ng pagkakakila`y di ko pa rin mapagtanto
Saan nga ba patungo ang lahat ng ito?

Tumatak sa isip nang minsan mo akong kausapin
Parang may espesyal na bagay ang biglang bumalot sa akin
Marahil ay nagulat ako sa dahilang minsan mo lang yun gawin
At ang sayang dulot nun, hanggang ngayo`y sariwa pa din sa akin

Ano nga ba ang meron sa pagkatao mo?
Bakit ba araw-araw akong nahuhulog sa`yo?
Kahit pa pinapakita mo sa `king hindi ka perpekto,
Humahanga pa din akong nakatitig sa`yo

Ngayong nasanay at masaya na akong nandyan ka
Wala na sigurong dahilan para ika`y aking pakawalan pa
Wala mang kasiguraduhang sa huli, tayo ba talaga
Alam kong may dahilan kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana
 

No comments:

Post a Comment