Wednesday, January 22, 2014

Right here waiting

 Isa lang ang alam ko .. Sa piling mo naging masaya ako, kahit pa sabihing ang klase ng relasyong meron tayo ay ang pinaka walang kasiguraduhang relasyon sa buong mundo.. Minahal kita sa paraang alam ko, hindi ko man nasabi sayo, pero yun talaga ang totoo.. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko balewala nalang ako para sayo.. Minsan naiisip ko na baka may iba ka nang inspirasyon but most of the time I refuse to think that way, ang hirap naman kasing tanggapin..

 Alam mo? Gaano man tayo kalabo ngayon, umaasa pa din talaga ako.. Umaasa ako na darating ang isang araw na magttext ka o message sa chat o kung magkita man tayo ulit, sasabihin mo sa `king "na-miss kita sobra.. ikaw pa rin talaga".. Sana nga tama ako, tama ang mga premonition ko, sana nga magkatotoo..

Nam-miss na talaga kita.. Ikaw.. Tayo.. Paano ba ako sasaya kung mad-define ko lang ang full happiness kung nandyan ka? Gustung-gusto ko sabihin sayo mismo na gusto kita talaga, gusto kita sobra.. Gusto ko malaman mo na mahal kita, na masaya ako kahit ikaw lang ang ka-text ko magdamag.. Kuntento na ako sayo.. Ikaw ang gusto kong kausap, ikaw ang gusto kong kasama, ikaw lang wala nang iba.. Pano ba to? Pano mo malalaman ang lahat ng to, ngayong nilayuan mo na ako?

I miss you po.. I miss you sobra.. Sana naman bumalik ka na.. Bumalik ka na sa akin.. Sabihin mo naman na pwede pa tayo.. Sabihin mo naman na minahal mo ko, at mahal mo pa din ako.. Maghihintay ako.. Pangako..



No comments:

Post a Comment